Mula sa trabaho ay maagang umuwi si Lara. Naisipan niya na isalang muna sa washing machine ang marurumi niyang damit. Bitbit ang hindi kalakihang basket ng kaniyang mga labahan ay bumaba siya para magtungo sa kanilang laundry room. Isa-isa niyang inilabas ang mga damit sa hawak na lalagyan para i-check, sinigurado niyang walang laman na kung ano ang mga bulsa niyon. Nakuha niya mula sa pinakailalim ang pantalon ni Draco na hinubad noong isang araw nang ito ay matulog doon. May nakapa siyang tatlong perang papel sa loob ng pangharap na bulsa nito, dalawang limandaang piso at isang isanlibong piso. Ipinatong niya ang mga iyon sa lababo, bukod doon ay may nakuha pa siyang mga resibo, isinama rin niya ang mga ito sa tabi ng mga pera. Nang makasiguradong wala nang laman na kung ano ang mga bul

