Dahil sa nangyaring proposal noong gabing iyon kinabukasan ay ipinatawag si Draco at Lara ng mga magulang nito. Kasama si Cayden at Cloud ay bumiyahe sila papunta sa ancestral house ng mga Frio. Sinalubong sila ni Lorena at Beatriz. Tuwang-tuwa ang mga ito na malamang engage na ang dalawa. "Bakit hindi muna kayo magbakasyon? Kami na muna ang bahala kay Cayden at Cloud. Your Daddy and I, decided na regaluhan kayo ng plane ticket and hotel accomodation papunta sa Kauai, Hawaii. Magaganda ang mga beaches doon siguradong mag-e-enjoy kayo," sabi ni Lorena. "Mom, wedding proposal pa lang ang nangyari sa amin hindi pa kami ikinakasal pero bakit parang pang honeymoon na ang regalo niyo para sa amin?" nanunudyong sabi ni Draco, inakbayan nito ang ina. "Of course not! Kapag wedding niyo na siye

