"How could you! Isang linggo lang akong nawala ang dami nang nangyari. Nang dahil sa pambabae mo at kapabayaan mo ay naaksidente ang anak natin. Inuuna mo pa talaga ang kabit mo kaysa sa sarili mong anak. Napaka iresponsable mong ama!" sumbat ni Laureen. Kanina pa masama ang timpla ni Draco, pagkakita pa lang niya kay Laureen ay bumalik agad sa kaniyang alaala ang mga ginawa nitong kasalanan sa kaniya. "Don't you dare accuse me of being irresponsible because you are the one who's irresponsible here. Nagawa mong iwanan ng matagal ang anak mo at magpakasaya kasama ng mga kaibigan mo. Nagbubuhay dalaga kahit alam mong may responsibilidad ka na." Saglit na hindi naka imik si Laureen dahil totoong guilty ito sa mga sinabi ni Draco. Maya-maya ay nakabawi ito, taas noong hinarap si Draco. "An

