Inumpisahan na ni Lara ang paghahanap ng bagong trabaho. Habang wala pang nakikita ay nag focus muna siya sa pag aalaga sa kaniyang mga anak at sa kaniyang online study. Ilang buwan na lang ay matatapos na niya ang kaniyang short course. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Greg, nakabalik na ito ng Maynila at hiniling na makipag kita sa kaniya, pinagbigyan naman niya ito. Sinundo siya ng binata sa kaniyang bahay ngunit hindi na niya ito pinapasok sa loob, naghintay lang ito sa kotse. Wala namang masama kung ang isang babae at lalaki ay maging magkaibigan, ayaw lang niyang maguluhan ang isip ng kaniyang mga anak. Respeto na rin kay Draco dahil nakatira siya sa pamamahay nito. Sa isang fancy restaurant siya dinala ni Greg. Maganda ang ambiance, may tumutugtog pa ng piano at masarap iyon sa

