Kaya naman siguro niyang gumawa ng business plan habang nasa bahay lang. Maaari pa rin naman siyang lumabas paminsan-minsan para maghanap ng lugar na pwede niyang pwestuhan. Tama. Ganun na lang. She can do a lot of things with her laptop, ang pagpili ng mga kasangkapang gagamitin at dekorasyon para sa lugar. Kinagat niya ang kanyang mga labi. Ang tanong, makakapag-focus kaya siya para sa pag-fine-tune ng mga detalye ng kaniyang café? Natigil sila nang dumating si Cedrik at tinulungan ito ni Lily na ayusin ang mga pinamili. “Ay naku. Pinabili ko pa naman siya ng beer at champagne. Maaari ka bang uminom ng champagne?" Sigaw ni Lily mula sa kusina. Ngumiwi si Mel. Noon, madalas siyang uminom. “Huwag na lang. Pwede mo ba akong igawa ng lemonade?" “Ay, oo. May binili rin naman siyang lemon.

