“YES, Maam,” chorus na sagot ng lahat. “Good,” I took a glance on my wristwatch, at tamang-tama it’s five minutes before time. “That’s it for today. Good day, class.” “Good day, Maam Jasmine!” sa muli ay sabay-sabay nilang response. Niligpit ko ang mga gamit ko sa mesa para sa paghahanda nang umalis at lumabas ng classroom nila. Nag-umpisa at nagkanya-kanya na ring nagsilabasan ang iba at ang iba nama’y nag-aayos ng mga gamit nila at ang iba’y nakikipag-usap at nakikipagkuwentuhan na sa mga kaklase at katabi nila. I was fixing my things and my books when I saw footsteps of somebody from the class walking towards my direction. Sa paraan palang ng paglalakad niya, sa sapatos niya, sa amoy niyang mas lalo kong nahahalimuyakan dahil papalapit siya’y alam ko na kaagad kung sino ito bago pa