Napansin ko naman na tila sinesermunan siya ng kung anong seryosong bagay ng katabing si Jude samantalang si Noah nama'y nakatawa na parang wala lang. Siya naman ay mukhang hindi man lamang apektado sa mga kaibigang katabing nakaupo sa bleachers. Tumungo ako at ipinagsawalang bahala ang lahat. Wala lang ito. Wala lang dapat ito. I should stay still and act appropriately or else, I'll lose this job so early. Marami pang mga nangyari sa buong linggo. Nang sumunod na araw kasi ay nagkakape akong mag-isa sa isang cafeteria nang hindi inaasahang tao ang umupo sa table ko. "Hi, teacher Jas." Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa harap ng table ko dala-dala ang kanyang frappuccino at nagulat kung sino ito. "Sir Aidan?" I smiled. "Can I sit here? Wala ka bang kasama or wala bang magagalit?"