CHAPTER 4

1558 Words
CHAPTER 4 "She's really getting into my nerves" "Just gave her chance. Ganyan naman talaga ang reaction ng mga book keepers sa simula" "I don't like her. She's annoying" "Fin, watch your temper. Yan ka nanaman eh." Unti-unting minulat ni Analine ang kanyang mga mata ng marinig niya ang pag uusap ng isang lalake at babae sa paligid niya. Agad siyang napa-upo ng makita ang lalaking nakaitim kagabi na may itim na pakpak may kausap itong isang babaeng nakasuot rin ng itim na damit at may itim rin na pakpak. Nakalutang ang mga ito sa ere habang nag-uusap. "N-Nandito ka parin?! S-Sino ba kayo?!" Sigaw niya kaya napatingin agad ang mga ito sakanya. Napalunok siya ng mapatingin siya sa lalaking naka-itim pakiramdam niya huminto ang kanyang mundo! Mas doble kasi ang kagwapuhan nito ngayon kaysa kagabi dahil kitang kita na niya ngayon ang tunay nitong mukha. Para itong anghel sa sobrang gwapo ng mukha nito. Kung hindi ito naka-itim at hindi kulay itim ang malaki nitong pakpak mapagkakamalan niya itong isang anghel! Maganda rin ang pagkakakulot ng buhok nito na para bang buhok ni kupido. Maiksi lang ang buhok nito ngunit bumagay sa gwapo nitong mukha. Idagdag pang hinahangin ito ng hangin mula sa nakabukas na bintana ng kanyang kwarto. Hindi tuloy niya maiwasan mapangiti. Para siyang nakakita ng isang anghel. "Hey?" Pukaw sakanya ng babaeng nakaitim. Nakalapit na pala ito sakanya ng di niya napapansin dahil nabighani siya sa taglay na kagwapuhan ng lalaking masungit na naka-itim. "Ay palaka!" Napa-atras tuloy siya. Bumungisngis ang babaeng nakaitim "Ang dami ko nang sinabi sayo pero wala ka naman naintindihan sa mga sinabi ko. Alam kong gwapo si Fin pero don't be so obvious" Humagikgik itong muli na tila ba kinikilig pa "Stop it Megan. It's not funny" Sambit ng lalaking naka-itim bago ito tumapak sa sahig ng kanyang kwarto at ipinasok nitong muli ang itim na pakpak sa loob ng likod nito Nakaramdam tuloy siya ng hiya sa mga ito dahil nahuli siya ng mga ito sa pagkakahumaling niya sa kagwapuhan ng lalaking naka itim. Gusto niya tuloy kutusan ang kanyang sarili. "A-Ano bang kailangan niyo sakin?" Pag iiba niya ng usapan dahil pinamumulahan na siya ng kanyang mukha "You're blushing." Pang aasar pa sakanya ng babae. "Stop it Megan" Saway naman ng lalaki rito "Anyway, Uulitin ko nalang ang mga sinabi ko sayo five minutes ago dahil busy ka sa pag titig sa mukha ni Fin--" "Megan" Saway muli ng lalaki halatang naiinis na ito sa babaeng nakaitim "Fine!" Humagikgik muna ito bago sumeryoso "A-Ano bang kailangan niyo sakin?" "I'm Megan. And he's name is Fin. We are devil hunters. Hindi kami masasama kahit naka-itim kaming pakpak. God gave us mission to kill evil spirits here on earth. Marami kami sa buong mundo dahil hindi na ata mauubos ang evil spirits sa planetang ito." "A-Ano namang kinalaman ko sa mission niyo?" "You're the book keeper. I know you have the golden book. Each book keepers have that one special golden book. Marami rin kayong mga book keepers ang pinadala rito sa earth para tulungan kaming mga hunters." Napalunok siya sa kanyang mga nalaman. Hindi parin iyon kapanipaniwala. "A-Anong gagawin ko?" "I'm sure bata ka palang nararamdaman mo na ang special powers mo. Each book keepers have special powers when they turned 18 years old their power become stronger." Napalunok siya "You have a mission. You need to accomplish that mission---" "Wala akong panahon sa sinasabi mo. M-Marami pa akong kailangan gawin. Kailangan ko pang magkaroon ng pera--" Hindi pa man siya tapos sa kanyang pag sasalita ng may biglang sumulpot na black card sa kanyang harapan. Palutang lutang iyon "Use that card. Kahit magkano pwede mong i-withdraw sa card na iyan kung pera lang ang problema mo" Masungit na sabi ni Fin sakanya Ngayon lang niya napansin na pati ang boses nito ay maganda rin. Humagikgik naman muli si Megan. "Pero--" "Ano pa bang problema mo? It's your mission--" "Fin your temper" saway naman ni Megan dito dahil mahahalatang naiinis nanaman ito Tumahimik nalang ito ngunit nakasimangot parin. "Analine you need to accomplish your mission. You're not a human being. This planet is not your world. May mission ka lang sa mundong ito na kailangan mong tapusin" "Pero--" "It's for the good of everbody. Bawat book keepers mayroon kayong naka assign partner na devil hunter. At ang naka-assign sayong devil hunter ay si Fin. Magtulungan lang kayong dalawa na matapos ang mission niyo." Huminga siya ng malalim. Ibig sabihin ba nito palagi niyang makakasama si Fin sa bawat mission niya? "P-Paano ba gagawin yung mission na yan?" Lumapit ito sakanya "You need to lock one hundred evil spirits in your golden book." Nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito. "One hundred?!" "Tss. I can kill thousands of evil spirits in just one day" Komento naman ni Fin Gwapo nga masungit naman. "Yes one hundred evil spirits Analine. You need to lock them inside your golden book once the devil hunter kill them." Napalunok siya. Kung iyon lang ang gagawin niya kakayanin niya iyon. "Yun lang pala eh! Sige!" Lakas loob niyang pagtangap sa mission niya pakiramdam niya tuloy siya si darna o si wonder woman na binigyan ng mission. Something inside her was unbelievable happy. Para bang nabuksan ang tunay niyang pagkatao. Ang kanyang mga tanong noong bata pa siya ay nasasagot na ngayon. "You need to fight them also. May kapangyarihan ka para mas maging malakas ang partner mo. Kaya magtulungan kayo ni Fin para matapos niyo ang mission niyo. Okay?" Makahulugan itong tumingin sakanilang dalawa ni Fin. "So paano Fin? Naayos ko na ha? Huwag ng mainit ang ulo mo kay Analine. Maayos naman pala siyang kausap eh" "Tss" Ngumiti lang si Megan sa reaction ni Fin. "So Analine malinaw na sayo ang lahat ha? Kung may tanong ka pa kay Fin ka nalang magtanong dahil hinahanap na rin ako ng book keeper na partner ko. Nice to meet you! bye!" "Wait--" Bigla nalang itong nawala na parang bula. Silang dalawa nalang ni Fin ang natira sa kanyang kwarto. Napalunok tuloy siya dahil sa kaseryosohan nito. "F-Fin p-pasensya kana sakin. K-Kasi naman nakakabigla naman kasi talaga yung mga nangyayari sakin--" "Fine. Let's just start our mission." Bigla nitong inilabas muli ang pakpak nito galing sa likuran nito. Malaki ang kulay itim nitong pakpak na halos kasing tangkad nito. Hindi niya nga alam kung paano iyon nagkakasya sa likod nito "You looked amazed. Mayroon ka rin namang ganito" Kunot nuo nitong sabi sakanya "Ha?" "Sabi ko may pakpak ka rin naman" Siya naman ngayon ang napakunot nuo. "Saan?!" Kinapa kapa niya tuloy ang kanyang likod. Wala naman siyang makapa doon "Tss.." Lumapit ito sakanya kaya naman nataranta siya. First time niyang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso. Mas lalo kasi itong gumagwapo sa malapitan. "Focus" Napalunok siya ng ilang beses. Ngayon lang niya nalaman na kahit pala hindi tao amoy fresh ang breathe? Napaka-bango kasi ng hininga nito! "Stop looking at me that way" Saway nito sakanya habang nakakunot ang nuo nito dahil napansin nito ang kakaiba niyang tingin Agad niyang pinilig ang kanyang ulo "S-Sorry nakakapanibago lang" Palusot niya Bumuntong hininga ito "Focus." "H-Ha? Saan naman ako mag focus--" "Mag focus ka para ilabas yung pakpak mo. Isipin mong gusto mong ilabas ung pakpak mo" Masungit nitong pag turo sakanya Napakagat tuloy siya ng kanyang labi dahil napagalitan siya nito. Hindi naman sinasadyang napatingin ito sa mapula niyang labi. Nag iwas agad ito ng tingin sakanya "P-Paano ba mag focus?" "J-Just close your eyes! Isipin mo gusto mong ilabas ung pakpak mo" Galit nitong utos sakanya Sa tuwing nag susungit ito mas lalo pa tuloy itong nagiging gwapo sa kanyang paningin. Huminga siya ng malalim bago siya pumikit. She calm herself. Sinunod niya ang utos nitong mag focus siya sa pag labas ng kanyang pakpak. I want wings Hmm chicken wings? Kumulo tuloy ang sikmura niya. Imbis kasi pakpak sa kanyang likod ang maisip niya pakpak ng manok ang naisip niya. Nagugutom na ata siya dahil simula pa kagabi wala pang laman ang sikmura niya "F-Focus Analine" Pagalit ni Fin sakanya dahil napansin nitong iba ang iniisip niya. Nakatingin kasi ito sakanya habang nakapikit siya. Napansin kaya nito ang kanyang mahabang pilik mata? Nooo! Focus! I want wings.. She tried her best to focus her mind. Sabay pa silang nagulat ni Fin ng biglang lumabas mula sa kanyang likuran ang kanyang kulay puting pakpak! "Diyos ko po!" Napatalon siya kay Fin sa sobrang gulat niya. Agad naman itong lumipad patungo sa pader habang nakasubsob siya sa katawan nito. "S-Sorry Fin! Nagulat kasi ako sa pakpak ko!" Agad siyang lumayo rito. He cleared his throat "See you have wings?" "O-Oo nga. Ibon pala ako" Hindi parin mawala ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Mas naging matimbang pa sakanya ang pagkakayakap niya kay Fin kaysa sa pagkakaroon niya ng pakpak Tila naramdaman naman nito ang awkwardness na kanyang nararamdaman dahil hindi rin ito makatingin sakanya "I'll see you later" Bigla nalang itong nawala na parang bula Bigla niyang naalala ang kanyang pakpak! "Fin?! Naku po nasaan na nagpunta yun! Paano ko aalisin tong pakpak ko?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD