PROLOGUE

246 Words
"Hinanap kita Ave, pero hindi kita mahanap-hanap." "Maraming paraan para mahanap mo ako, pero ano ito? Pagkatapos ng ginawa mo..." tukoy niya sa nangyayari noon at ngayon. "Babalik ka lang na wala kang kasalanan sa akin? Zeo naman! Mas tatahimik ang buhay ko na wala ka." "Please, Ave, let’s forget the past," nahihirapan saad nito. "Paano? Paano ko kakalimutan ang lahat kung nandito pa rin ang sakit?" turo niya sa bandang dibdib niya. "Sabihin mo sa akin, Zeo, paano mo nasabi na kalimutan ko ang lahat na ginawa mo sa akin?" Humarap ito sa kanya kaya nagsalubong ang kanilang mga mata at hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. Tinititigan siya nitong mabuti, pero umiwas siya ng tingin. "Ave, Look at me," pagsusumamo nito. Umiwas siya ng tingin. "Please listen to me, alam kong nasaktan kita sa mga sinabi ko at ginawa ko sa’yo noon. Ito na ako, Ave, pagbigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon na mahalin ka ng buong-buo---" "Bakit may plano kang may kahati? Kung ganoon pa lang huwag mo ng ituloy." Kung iisipin pa lang ng dalaga na may kahati pa siya sa puso ng binata ay parang sobrang sakit ng dibdib niya na parang pinipilipit sa sakit. Ayaw na niyang masaktan ulit dahil sobrang sakit na parang iyong katawan mo ay walang buhay. Nakakapanghinang isipin na ang akala mo ay ikaw lang ang mamahalin ng buo, pero may kahati pa pala. Ganito na lang ba? Sa pangalawang pagkakataon ay magpapakatanga siya kay Zeo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD