Mula sa labas ng bahay ni Cora ay nakita ko si Shanta na pumasok doon. Nagkausap kami ni Cora ngunit pinakiusapan niya ako na kung maaari ay huwag ko na munang lapitan si Shanta dahil sa sitwasyon. Naiintindihan ko ang gusto ni Cora na kausapin muna ang pamangkin nito at ipaliwanag dito ang lahat. Hindi na ako tumanggi sa pakiusap ni Cora sa akin. Masaya na ako ngayon na alam na ni Shanta ang totoo. Alam ko na kahit na magpaliwanag pa ako sa kanya ay hindi din naman niya ako papakinggan dahil sa laki ng nagawa kong kasalanan. Muli kong sinulyapan ang bahay ni Cora. Umalis na rin ako at hinayaan na mag-usap ang mga ito. Gusto kong matupad ni Shanta ang lahat ng mga pangarap niya. Magagawa lamang nito iyon kapag umalis ako at hindi na ako muli pang nagpakita sa kanya. Tama na ang ginawa k