"Gyneth, may gusto lang akong itanong," sabi ko habang nasa canteen kami ng university at kumakain ng lunch kasama si Rosie at ng iba pang mga estudyante. "Tungkol naman saan?" Busy si Gyneth sa pagkain ng french fries kaya mukhang hindi ko ito interesado sa itatanong ko. "Ganoon ba talaga ang mag-asawa? Nagawa nilang magkabalikan dahil mahal nila ang isa't isa kahit na sobra na silang nasasaktan?" malungkot kong tanong dito. "Tungkol na naman saan ang tanong mong iyan, Shanta? Tungkol ba iyan sa mga parents mo? Kasi ako bata pa lang ako noong naghiwalay ang mga magulang ko," sabi naman ni Gyneth. "Curious lang ako." Nangalumbaba ako sa lamesa at saka ibinaling ang aking tingin kay Rosie. "Sina mama at papa madalas na mag-away pero hindi pa naman sila naghihiwalay. Palaging sinasabi s