Kabanata 12

1028 Words

"Kuya!" malakas na bulyaw ko sa kanya. Kahit naman nakainom ako ay alam ko pa rin naman ang ginagawa ko. At isa pa hindi naman ako sobrang lasing na lasing. Sinundan ko siya patungo sa isang kubo. "Shanta, huwag kang maingay. Bumalik ka na sa cottage ninyo at doon ka matulog. Bakit ka ba nandito? Hindi ba sinabi mo na kanina na hindi kita dapat pakialamanan dahil hindi mo naman ako boyfriend at hindi mo rin naman ako kaibigan." Sa tono ng pananalita ni Warren ay talagang galit siya sa akin. Umupo na lamang ako sa upuan ng kubo at saka nangalumbaba sa harapan nito. Hindi na ako nagsalita at nanatili na lamang na nakatingin dito. Nakatingin din siya sa akin pero mukhang inis na inis sa akin. Ipinatong ko ang mga braso ko sa lamesa na nasa tabi ko at saka ko iniyuko ang aking mga ulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD