MAAGANG bumangon kinabukasan si Benjamin para maghanda ng almusal. Hangga't maaari gusto niyang siya ang nag-aasikaso kay Sara. Paraan kasi niya iyon para iparamdam sa dalagang hindi nagbago ang pagtingin niya rito. Tapos na niyang ihanda ang mesa nang mapagpasyahan niyang katukin na si Sara. Pero nakaka-apat na katok na siya ay wala parin siyang nakukuhang sagot mula rito. Noon niya sinubukang pihitin ang knob. Hindi naka-lock, napangiti siya habang hindi niya napigilan ang makaramdam ng tuwa dahil doon. Nangangahulugan lang na may tiwala parin ang dalaga sa kanya. Alam nitong hindi niya gagawin ang i-take advantage ito. "Sara?" aniyang itinulak pabukas ang pinto para lang mapangiti nang mabungaran ang ayos ng dalaga. Nakatalukbong ito ng kumot at sa tingin niya'y mahimbing parin ang tu