bc

Two Different Roads

book_age18+
109
FOLLOW
1K
READ
age gap
drama
tragedy
serious
realistic earth
cheating
self discover
slice of life
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

"May iba na ba?" tanong niya sa akin sa malumanay na tono.

Naaawa ako para sa kaniya. Alam kong mali ang ginawa ko pero hindi ko ito ginusto. Ayokong manakit ng tao. Ayoko siyang saktan pero kung hindi ko ito gagawin, ang taong mahal ko naman ang masasaktan.

"Palalayain mo ba ako... kung mayroon ng iba?" tanong ko na dahilan nang pagbuhos ng masagang luha mula sa kaniyang maaamong mga mata.

Napayuko na lang ako ng makaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa senaryong nakikita ko ngayon.

Kung puwede sanang silang dalawa na lang. Kaso kailangan ko talagang pumili.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Malakas na bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa no'n si Dad na galit na galit. "Leyo! Wala ka na bang kahihiyan sa balat mo?! Lahat na lang ng magiging sikretarya mo ay nagiging karelasyon mo! Ang matindi pa ay lagi mo na lang pinapalitan kapag natikman mo na! Hindi ba puwedeng kahit minsan ay magpaka Trevor ka naman? Ipinapahiya mo ang apelyido natin!" litanya ni Dad pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina ko. Hinayaan ko lang siyang magsalita dahil alam kong pagkatapos nito ay wala rin naman siyang magagawa. Ako ang ginawa niyang bagong CEO ng kumpanya kaya kung ano ang gusto ko ay iyon ang masusunod. Kung ayaw niya sa mga ginagawa ko, tanggalin niya ako at ipamana niya itong kumpanya sa magaling niyang bunso. "Gagawin ko kung ano ang gusto ko. Ako ang CEO, hindi ba? Be it." Hinampas ni Dad ang mesa ko na gumawa ng malakas na ingay sa loob ng opisina ko. "Leyo! Sumosobra na ang pagkatigas ng ulo mong bata ka!" sigaw niya sa akin. Halos maglabasan na ang lahat ng ugat niya sa leeg dahil sa sobrang galit. "Kung may problema ka sa mga ginagawa ko, feel free to sit in your throwne. I don't want it anyway," sagot ko at saka ako naglakad palabas ng opisina ko. "Leyo! Hindi pa tayo tapos mag-usap!" Hindi na ako nag-abala pang lingunin si Dad. Dirediresto akong naglakad palabas at patungo sa elevator. Hindi ko inaakala na maaga siyang pupunta ngayong araw. Madalas ay hapon na siya dumadating sa opisina ko upang sigawan ako sa bago kong ginawang kagaguhan. Alas-onse pa lang ng umaga ay nasa opisina ko na siya. Mukhang marami siyang oras ngayon para sigawan ako kaya mas mabuti nang umalis ako ng mas maaga kaysa tiisin ang litanya niya. Wala rin namang magbabago. Siguradong bukas ay may bago na naman akong sikretarya. Ganon naman lagi. Mag-ha-hire sila ng sikretarya ko tapos ilang araw pa lang ay mahuhulog na sa akin. Kasalanan ko ba na dumadaloy sa dugo namin ang pagiging malapit sa palay? Palay na 'yan, nakahain na. Kakainin ko na lang, tatanggihan ko pa ba? Ang problema lang sa kanila, porque may nangyari sa amin ay feeling nila may label na kami. Hahanapan ako ng label? Hinain nila ang sarili nila without knowing kung ano ang posibleng mangyari, pagkatapos ay sila itong magagalit dahil wala kaming label. Wala silang pinagkaiba sa mga pokpok, pumasok sila para magpatira kaya h'wag silang mag-assume. Pumasok ako sa kotse ko at saka ako nag-drive paalis ng kumpanya. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta kaya tinawagan ko na lang si Karrius. Siguradong wala silang ginagawa ngayong araw dahil sabado naman. Makikipag inuman na lang siguro ako hanggang maggabi at mag-umaga ulit. Lunuran ng baga, bahala na. Simula ng gawin ako bilang bagong CEO ng kumpanya ay hindi ko na nagagawa ng madalas ang mga gusto ko. Ginawa iyon ni Dad para matigil ako sa bisyo ko. Pakikipag car race lang naman ang ginagawa ko pero pagkatapos ng nangyaring aksidente ay puwersahan na akong pinatigil ni Dad. Isang buwan din akong comatose no'n pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyari dahil alam kong ginawa ko kung ano ang gusto ko. Hindi katulad ngayon. Hindi ko ginusto ang maging CEO ng kumpanya niya. Hindi ko alam kung bakit sa akin niya ito ipinamana at hindi sa mgaling niyang bunso na pag-aartista lang naman ang ginagawa. Palibhasa ay may magandang benefits sa kumpanya ang pagpasok nito sa industriya ng pag-arte kaya hinahayaan niya lang ito sa gusto nito. Sana maisip niya rin na kailangan ko rin ng kalayaan, hindi yung puro bunso niya na lang ang sunod sa luho. Kung hindi lang talaga dahil kay Mommy ay hindi ko tatanggapin itong kumpanya niya. "Hello, sino 'to?" "Tangina mo! Kanina pa ako tumata- wait. Sino 'to?" tanong ko at saka ko tinignan kung tama ba ang tinawagan ko. "Asan si Karrius?" tanong ko sa kausap ko. Masayado akong nadala ng galit ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Namura ko pa ang kausap ko without knowing ung sino siya. "He is still sleeping," sagot sa akin ng babae na hindi ko alam kung sino. "What the hell?! Sino siya, si sleeping beauty? Alas-onse na tulog pa rin," eksaherado kong sabi. Narinig ko naman ang pagtawa ng babae na kausap ko dahil sa sinabi ko. "Are you his friend? May gusto ka bang ipasabi o gusto mong gisingin ko na lang siya?" tanong niya sa akin. Napailing-iling na lang ako. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.Sino na naman kaya itong ikinama niya? Siguradong inumaga na naman sila kaya hanggang ngayon ay tulog pa siya. "No need. Tatawagan ko na lang siya ulit mamaya. Salamat," sagot ko bago ko ibinaba ang tawag. Mas mabuti siguro kung gagala o mag-iinom na lang ako ng mag-isa. KASALUKUYAN KAMING nag-aayos ng mga gamit namin no'ng pumasok si Glenda sa bahay namin. Isa siya sa mga naging kaibigan ko dito sa subdivision simula ng tumira kami dito. Umupo siya sa sofa sa tabi ko at saka ipinatong sa mesa sa harap namin ang dala niyang piyaya. "Binili ko 'yan kahaon no'ng malaman ko na aalis kayo papuntang Maynila," simula niya. Halata sa boses niya ang lungkot dahil sa nabalitaan niya. Ngumiti na lang ako at saka ko kinuha ang piyaya sa mesa. "Nag-abala ka pa, Glenda. Salamat dito, ha," pasasalamat ko at saka muling inilapag sa mesa ang piyaya. "Masyado namang biglaan ang pagdedesisyon niyong lumipat sa Maynila, Sofia. Wala na ba talagang ibang paraan?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa tanong ni Glenda. "Alam mo naman na napamahal na ako dito sa lugar natin. Kung may ibang paraan lang talaga ay mas gugustuhin ko ang manatili dito. Saka, maganda rin ang offer sa akin ng kumpanya na papasukan ko bilang sikretarya. Makakatulong iyon para sa anak ko na kolehiyo," paliwanag ko sa kaniya. Alam ko na malungkot siya sa pag-alis namin pero wala naman akong ibang magagawa. Kailangan namin ng pera ng anak ko kaya mas mabuti ng kunin ko ang oportunidad kaysa ang patakasin ito at ibigay sa iba. "Ma-mi-miss ko kayo ni Raiza," nakanguso niyang sabi at saka ako niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik. "Basta bumalik-balik pa rin kayo dito ah? Bumisita kayo kahit once a year lang." "Oo naman! Kapag nakapag-ipon ako ng mas maaga bibisita agad kami dito," sagot ko nang kumawala na kami sa pagkakayakap. "Ma, malapit na raw ang sundo natin." Lumabas galing sa kuwarto ang anak kong si Raiza hawak ang kaniyang cellphone. Tumango naman ako bilang sagot. Senyales iyon para tapusin ko na ang pag-iimpake. Nakakahiya naman sa bago kong boss kung paghihintayin pa namin ang pinadala nilang magsusundo sa amin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Fight for my son's right

read
147.1K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

The ex-girlfriend

read
138.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Marrying My Fiancee

read
461.0K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook