Mia's POV NAKATULALA ang aking mata habang ang ballpen ay nasa loob ng aking bibig, kagat ko sa aking ngipin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pinuntahan ako ng babaeng iyon para lang sabihin sa 'kin na sa kanya lang si Cedrick. "Ano naman ang pakialam ko roon? Saka, sa kanya na si Cedrick. Kanyang-kanya na," gigil kong wika. "Nagsasalita ka na namang mag-isa, Mia." Nanlaki ang aking mata nang makarinig ng isang tinig na nagsalita mula sa aking pinto. "S-Sir Marvin," gulat kong wika sabay sa pagtayo. Ngunit dahil sa aking ginawa, natapon ang kape na nasa aking lamesa, dahilan upang ito ay mapunta sa aking binti. "Sheesh!" inis kong sabi nang maramdaman ito. Mabuti na lang at hindi na ito mainit. Dahil siguro sa katutulala ko kanina, nalimutan ko nang inumin ang ka