Mia's POV HINDI mawala ang ngiti sa aking labi habang iniisip ang mga nangyari nitong nakaraang araw. Masarap sa pakiramdam ang nagmamahal at alam kong ganoon din sa 'kin si Cedrick. Pero isa lang ang hiling ko sa ngayon, sana hindi ako nagkamali ng desisyon. Sana tama ang ginawa kong pagbigay sa kanya ng pagkakataon. Muli akong ngumiti habang nakatanaw ang mga mata sa bintana ng taxi na sinasakyan ko ngayon, patungo na kasi ako sa opisina at sa tingin ko, masiyado akong naging maaga. "Ito po ang bayad," wika ko sa manong driver nang ibigay ko sa kanya ang bayad ko sa taxi. Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa gusali na ngayon ay nasa aking harapan, ang gusali ng mga Cheng. Nagsimula na akong maglakad, papasok sa loob, ngunit hindi pa man ako nakapapasok, isang babae ang humarang sa