Kabanata 36: "Siya ba ang rason kung bakit ayaw mong pakasalan si Lucia?" naiiyak na sigaw ni Mommy sa akin habang nakaduro siya kay Farrah. Masama ang tingin niya kay Farrah na patuloy na tumatangis sa aking dibdib habang haplos ko naman ang kanyang likod. Gusto ko siyang aluin ngunit heto at kinokompronta na ako ng aking ina. Kawawa naman si Farrah, dapat ako ang sumalo ng lahat ng galit ng kanyang ina. Alam kong sinaktan siya ng matindi ni Nanay Ferlyn. Iyong sabunot niya kay Farrah kanina ay sobrang higpit na parang gusto nitong kalbuhin si Farrah. Tapos pansin ko na may bakas ng palad sa mukha ni Farrah na mukhang dahilan ng malakas na pagkakasampal. Kung hindi agad ako dumating, baka nasampal na naman ni Nanay Ferlyn ang kawawa kong nobya. Ang timing lang talaga na nabuko kami ni