"Huwagggggggggg! Maawa ka! Huwagggggggggg!" malakas na sigaw ko sabay mulat ng aking mga mata. Subalit nasilaw ako sa liwanag kaya napapikit ako habang takot na takot na yakap ang aking sarili. Baka nasa malapit lang si Fidel at hinihintay ang aking paggising. Napaiyak ako nang maalala kung paano niya ako halikan at sapilitang hawakan ako sa maselang bahagi ng aking katawan. Habang pinipilit kong magpumiglas sa kanya dahil ayaw ko na madungisan niya ang aking p********e. Ilang beses akong nagmakaawa ngunit ayaw niyang tumigil at sige lang siya sa paghaplos sa aking dibdib habang ako ay kanyang hinahalikan. Sobra akong nandidiri sa kanyang ginagawa ngunit wala akong magagawa lalo na at isang sampal sa mukha ang pinapatikim niya sa akin kapag pinipilit kong manlaban upang huwag matuloy a