"Sweetheart…I'm home…" malakas ang boses na sabi ko habang mabilis na lumilibot ang paningin ko sa apat na sulok ng kwarto namin ni Farrah. Dito kaagad ako dinala ng mga paa ko nang dumating ako. Subalit walang Farrah na narito at saan naman kaya siya nagtungo? Sabi ni Mizty ay nasa kwarto lang namin si Farrah at buong hapon na nagkulong at hindi na bumaba. Tanghali lang daw ito bumaba para sumalo sa kanila sa hapagkainan dahil masama raw ang pakiramdam ng aking asawa. Kaya naman dali-dali akong umakyat sa kwarto namin nang malaman ko ito. Alam kong dahil ito sa nalalapit niyang panganganak. Plano ko na simula bukas ay mag-leave na muna sa trabaho para matutukan ko ang aking asawa na malapit ng manganak. Matindi ang pag-aalala ko sa kanya dahil ilang beses na siyang dumaing na nahihirapa