Inabot kami ni Farrah ng umaga sa pagtatalik. Maging sina Vince at Charmel ay ganoon din siguro. Ayaw kong maging malisyoso pero alam ko kung gaano kagusto ni Vince na mabuntis si Charmel para wala na itong kawala sa buhay. He's possessive like me. Mas siya sa pagiging possessive dahil siniguro niya na walang lalapitan na iba ang babae kundi siya lang. Siguro, kung pwede niya lang itali ang babae sa kanyang apelyido gaya ng ginawa kong pagpikot kay Farrah. Malamang kasal na sila noon pa man at wala sana siyang pinoproblema kundi ang isang sikreto lang na kamumuhian ni Charmel sa kanya. Sana lang maging maayos ang lahat sa kanila. Sana matanggap ni Charmel si Vince kahit pa malaman niya ang ginawa nitong panggigipit sa mga magulang niya. Pero bago ko isipin ang problema ng iba. Isipin ko m