DRAVEN Wala akong nagawa kung 'di ang sumunod sa dalawang kasama akong naglalakad papunta sa nakaparadang sasakyan ni Theresa. Tahimik na pinanood ko kung paano walang lingon-likod na sumakay si Agatha at hindi man lang ako niyayang sumama sa kan'ya. "Ako na muna ang bahala sa kapatid ko. Sa ngayon, she needs time to heal first," seryosong sabi ni Theresa, bago ako talikuran at mabilis sumakay sa naghihintay na sasakyan. Fùck! Kung normal lang na pagkakataon, hindi ko hahayaan na itrato niya ako ng ganito, pero dahil kapatid siya ni Agatha at para sa ikabubuti ng asawa ko, pumayag ako kahit ayaw ko. Walang karapatan si Theresa na pagbawalan akong pumunta sa bahay niya, kaya mabilis na tinungo ko rin ang sarili kong sasakyan ko at sinundan sila. Kung gusto ni Agatha na sa bahay ni T