AGATHA "Can I see him?" tanong ni Elvie kay Theresa. "Sure, p'wede mong puntahan si daddy sa room niya anytime na gusto mo, sasamahan kita." Nakikinig lamang ako sa usapan nilang dalawa hanggang matapos kaming kumain. Siguro introvert lang ako kaya hanggang ngayon, may pagkakataon na nahihirapan akong makisabay sa usapan lalo na at ngayon ko lang nakita at nakasama si Elvie kaya hindi ko maiwasan ang hindi mailang sa kanya. "Ang tahimik mo naman, Agatha," puna ni Elvie sa akin ng napansin nito ang pananahimik ko. Sa aming tatlo, siya ang maraming tanong. Mas madaldal siya kumpara sa amin ni Theresa na nasanay na nag-uusap lang kapag may kailangan. Tipid na ngumiti ako kay Elvie na nakatingin sa mukha ko. "Ganito lang talaga ako," maikling sagot ko. "Kung hindi tayo magkamukha, bak