AGATHA Sinamahan namin ni Elvie si mommy sa hapag para kumain. Pareho kami ng kapatid ko na walang kahit anong maalala kahit kapirasong alaala tungkol sa aming ina, kaya wala kaming alam sa kung ano ba ang nangyari noong maliit pa kami. Habang kumain si mommy, kinausap ko na rin ang kasambahay namin na ihanda ang room na tutuluyan nila ni Elvie. Gusto ko sanang tig-isa sila ng silid, pero nagkasundo ang dalawa na sa isang silid na lang umano sila matulog. Marami akong gustong itanong kay mommy pero hinayaan ko munang kumain siya ng maayos at makapag-pahinga. Dito naman siya sa bahay titira, kaya marami pang oras ang p'wede ko siyang kausapin anytime na gusto ko at may pagkakataon. Matapos ihatid sa silid na tutuluyan ni mommy at Elvie ay pumasok na rin ako sa master bedroom na para s