AGATHA "Please tell us about it," mahinahon na sabi ni Ate Khen. "Opo, sa loob ng sasakyan ng kapatid ko nang ihatid niya ako sa ospital. Iyon ang pangalawang pagkakataon na naranasan ko ang ganitong pangyayari," malungkot na sagot ko. "Nasundan pa ba iyon, Agatha?" muling tanong ni Ate Khen. "Yong pagsabog po ng sasakyang sinasakyan ko. Pero hindi naman ako na takot. Mas affected po ako noong inakala kong nakunan ako at nawala ang mga babies ko, dahil nagkaroon ako ng bleeding due of stress. Siguro ay galit at pagod ako tapos emotionally unstable ako that time," seryosong paliwanag ko. Naramdaman ko ang sakit na mabilis gumuhit sa puso ko. Sa tuwing iisipin ko kasi ang nangyari ay nalulungkot ako at nagkakaroon ng takot na baka tuluyan na ngang mawala ang mga anak ko. "I'm convin