AGATHA Naiwan akong mag-isa dito sa loob ng silid kung saan ako iniwan ni Tito Sabby. Ang sabi niya kanina bago umalis, kapag may kailangan ako, pindutin ko lang ang button na tinuro niya sa gilid ng kama at darating umano ang kasambahay na siyang kasama ko dito sa magarang bahay. Hanggang ngayon, nakatingin pa rin ako sa naka-bukas na malaking screen sa harap ko. Sa tingin ko ay naka-dikit ito sa dingding at hindi basta p'wedeng nakawin. Ang lapad ng aparatong pinagmamasdan ko. Kasing laki ito ng telebisyon sa bahay ni Draven at gano'n rin ang nasa loob ng silid naming dalawa. Napako ang tingin ko sa asawa ko. Nakaupo siya sofa at para bang tulala at nag-iisip. Mukhang hindi siya makatulog kaya kahit hating-gabi na ay gising pa siya. Hindi ko alam kung ano ba ang alam ni Draven sa na