"Now get up!" Umalis siya sa ibabaw ko at parang haring tumayo at sinipat ang kabuuan ko. Kahit nanginginig ang buong katawan, ginawa ko ang utos niya. Dahan-dahan akong bumangon at tumayo ng tuwid sa harap niya sabay pahid ng mga luha sa basang pisngi at kinagat ang pang-ibabang labi para hindi makagawa ng ingay na ikagagalit ng taong kaharap ko. Naupo siya sa sofa malapit sa paanan ng kama, habang ako naman ay parang tuod na nakatayo sa harap niya. "Hubàd!" walang ka-ngiti-ngiti na utos ng lalaking kaharap ko. Bumuka ang bibig ko para sana mag-protesta, pero hindi ko nagawa ng magtama ang mga mata namin kaya napayuko na lang ako. Hindi ako naka-sagot at lalong hindi makapagsalita. Pakiramdam ko napako na ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at parang walang buhay na hindi nag-fu-functi

