"Simula ngayon, nine o'clock sharp, dinner time, Agatha. Isaksak mo 'yan sa utak mo at hindi ko na uulitin pa sa iyo ito," sabi ni Mr. Masungit, bago tumayo at malaki ang mga hakbang na iniwan ako sa mesa. Naiwan akong napalunok na lang at sinundan siya ng tingin. Pilit na kinalma ko ang isip ko at lihim na humingi sa Diyos ng gabay na makaya ko kung ano man ang pagdadaanan ko sa loob ng bahay na ito. Sana lang talaga, kayanin ko ang kasungitan niya. Lalo na at hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makakasama o kung makakalaya pa ba ako sa mga kamay niya. Abala si Mr. Madrigal sa laptop niya ng bumalik ako sa silid niya. Hindi man lang ito nag-angat ng mukha ng pumasok ako pero inutusan akong maligo dahil ayaw daw niya ng kasama na mabaho. Conscious na tuloy ako sa sarili ko. Paki

