Hiyang-hiya ako. Sa pangatlong pagkakataon, may iba na namang mga mata ang nakakita sa pagkababaè ko. Hindi ko alam kung para saan ang gagawin ng doktor, pero may naramdaman akong ipinasok sa loob ng hiyas ko kaya napa-igtad ako. "Don't worry, mabilis lang ito, miss," malumanay na sabi ni doktora sa akin. "Para saan po iyan?" lakas loob na tanong ko. Ipinaliwanag niya na bukod sa virginity test ay gusto rin daw malaman ni Draven kung capable akong magbuntis. Kung may sakit ako o kung may possibilities na may nakakahawa akong karamdaman. May malamig na gel rin na nilagay sa puson ko at pagkatapos ay gamit ng doktor ang isang aparato at parang batang naglalaro sa tiyan ko, pero ang nakakapagtaka ay nakikita ito sa monitor sa harap namin pareho ang kung ano ang nasa loob. Ilang pagsus

