Chapter 55: Goodbyes (2) THIRD PERSON'S P.O.V "Blaine, aalis muna ako ah? Bibili lang ako ng pwede mong makain sa labas," nakangiting paalam ni Atticus na tinanguan naman ni Blaine. Kaya naman ng makaalis si Atticus ay agad na umayos ng upo sa hospital bed si Blaine at saka niya sinuot ang slippers niya pang-hospital. Inabot na kasi kinabukasan sila Blaine sa hospital dahil hindi pa siya pwede lumabas ng hospital. Kailangan muna kasing ubusin ni Blaine ang laman ng dextrose niya bago siya payagang i-discharge. Nang makatayo si Blaine ay agad niyang kinuha ang stand ng dextrose niya saka iyon hinila palabas ng ward niya. Nang malaman kasi ni Blaine na nasa iisang hospital lang sila ni Erin ay naisip niyang bisitahin ito. Gusto kasi sana makausap ito ni Blaine ulit dahil nagu-guilty si