Chapter 58: Good News (2) THIRD PERSON'S P.O.V Nang matapos maligo ni Blaine at Atticus ay tahimik lang silang kumain na pamilya sa kusina. Sumusubo ng pagkain ang mag-ama habang si Blaine naman ay abala sa pag-init ng ulam. Paano ba naman kasi. Lumamig na ang ulam dahil sa kapilyuhang ginawa nila ni Atticus. Kaya naman ngayon ay nahihirapan si Blaine na iinit ulit ang ulam nila para masarap kainin. "Kumusta na pala ang balita sa annulment n'yo ni Erin?" hindi naiwasang tanong ni Blaine. Agad namang natigilan si Atticus sa pagsubo habang si Blaine naman ay tumabi sa anak nilang si Attilaine para subuan ng pagkain. "Naaprubahan na ang annulment namin," maiksing sagot naman ni Atticus. Agad namang napangiti si Blaine at saka marahang tumango. Sinubuan muna ni Blaine ng pagkain si Att