Chapter 14: Dismayed THIRD PERSON'S P.O.V Nang dumating na ang pagkain nila Blaine ay nagsimula na silang kumain ni Rhys habang nagkukwentuhan. Habang sila Atticus at Erin naman ay kakarating lang din sa restaurant kung saan nagpunta sila Rhys at Blaine. Nang mga sandaling iyon ay wala pang kaalam-alam si Atticus at Blaine na nasa iisang lugar lang sila ng mga oras na iyon. Nang makahanap ng mauupuang table sila Atticus sa second floor ay agad na pinaghila ni Atticus si Erin ng upuan para makaupo ang dalaga. Kaya naman ng makaupo na sila Atticus at Erin ay agad silang tumawag ng waiter. Pagkarating ng waiter sa harapan nila Atticus ay agad naman nilang sinabi ang order nila na agad namang nilista ng waiter. Natapos nun ay matiyaga lang silang naghintay na dalawa. "Do you like here, E