SOFIA “Surprise!” Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa paningin ko ang silid na pinagawa ni Chase para sa magiging anak namin. Kumpleto na ito sa gamit, at hindi maitatanggi na pinaglaanan niyang mamili. Kadarating lang namin galing China, pero dito agad ako dinala ni Chase at excited na pinakita sa akin ang nursery room na pinagawa niya para sa magiging anak namin. “Ikaw talaga, wala kang itinira sa akin kahit kaunti,” nakangiting sabi ko habang gumagala ang mga mata ko sa kabuuan ng silid. Sa tingin ko kasi, wala na akong kailangang bilhin dahil bukod sa maganda ang disenyo ng nursery room ay kumpleto na rin maging ang mga damit pambata. “Si baby na lang ang kulang. Siya ang magandang regalo mo sa akin, honey, kaya ako na ang bahala sa mga gamit niya, pati na rin dito sa kaniya

