SOFIA Wala pang isang oras ay narinig kong may nag-doorbell mula sa labas ng gate. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita kong lumabas ng bahay si Ate Em at pinag-buksan si Chase at pinatuloy niya ito dito sa bahay ko. Nakausap ko na si Ate Em kanina at alam na niya ang isasagot kay Chase mamaya kapag nagtanong ito sa kaniya kung bakit siya narito sa bahay ko. Siguradong magtataka kasi ang asawa ko at magtatanong sa amin dahil ang alam niya ay hindi naman kami malapit sa isa't isa ni Ate Em at magkasama lang kami sa apartment dahil housemate kami para makatipid na rin. Hindi nagtagal ay narinig kong may marahang kumakatok mula sa labas ng silid ko. Sinabi ko kasi kay Ate Em na patuluyin na dito si Chase dahil inaantok ako kanina. As expected, siya nga ang nakita kong nakatayo sa labas

