Hindi ko gusto ang ideya ni Chase Mondragon. Nagdududa ang mga matang nakatingin ako sa kaniya pero wala akong nakitang kahit anong reaksyon sa mukha niya. “Ikaw na lang po, sir, ang pumasok d'yan sa hotel,” pigil ang hininga na sabi ko. “Gusto mo bang matulog na lang dito sa loob ng kotse na ganiyan ang ayos mo?” tanong niya sa akin. Oo nga pala, nabasa ako ng ulan kanina. Napatingin tuloy ako sa katawan ko. Saka ko lang napagtanto na hinubad pala niya ang suot na corporate coat at binalot sa katawan ko habang natutulog ako. “Let's go inside, Sofie. Baka magkasakit ka kapag magdamag na basa ang damit na suot mo.” Binuksan na ni Chase Mondragon ang pintuan sa tapat ng driver seat at mabilis na bumaba. Naiwan akong hindi malaman kung ano ang gagawin dito sa loob ng sasakyan. Pakiramd

