“You can eat me if you want,” sabi sa akin ng lalaking kaharap ko habang may pilyong ngiti sa labi. Kunot ang noo na napatingin tuloy ako sa kaniya dahil hindi ko nagustuhan ang narinig kong sinabi niya. I know he's teasing me at napapansin ko na lagi niya itong ginagawa basta nakakita siya ng pagkakataon. “Hindi ka masarap,” naka-irap na sagot ko. Natigilan ako ng makita kong nangunot ang noo ni Chase Mondragon. Muntik akong matawa sa sinabi ko pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nakita kong nalukot ang mukha ng lalaking nakatayo sa harap ko Tunay na pagkain kasi ang gusto ko. Kumakalam na ang sikmura ko, kaya hindi ko napigilang ibuka ang bibig ko at lumabas ang ugaling pinipigilan ko. Inabot ko ang menu na nakita kong katabi ng telepono at naghanap ng pagkain na puwede kong k

