Hindi nga lang gaanong napansin ito dahil napakabilis ng kilos niya at may kadiliman sa loob ng bar. May kalayuan rin ang distance ng CCTV camera sa counter, kaya hindi malinaw ang mga pangyayari ng gabing nalasing ako doon. Matapos i-zoom ang mukha ng lalaking suspect ko ay kinunan ko ito ng screenshot. May nabuong plano sa isipan at gagawin ko ito kapag malalim na ang gabi. Past ten o'clock na, pero nasa loob pa rin ng opisina niya si Chase Mondragon. Hindi pa siya kumakain ng hapunan dahil hindi ko man lang siya nakitang tumayo at umalis sa table niya. Eleven o'clock nang umalis siya sa loob ng opisina niya at pumasok sa condo unit niya. Hindi ko na nakita kung ano pa ang ginawa ni Chase dahil hindi ko nalagyan kanina ng camera ang kusina at sala dahil wala akong nahanap na safe na l

