Ramdam ko na nahatak niya paitaas ang skirt na suot ko. Gustong mag-protesta ng matinong bahagi ng isipan ko ng maramdaman kong binuksan niya ang zipper sa tagiliran ko at lumuwag ang office uniform na suot ko. “Chase,” humihingal na tawag ko sa kaniya para sana pigilan siya, pero bigla niyang sinunggaban ang mga labi ko at sensual na siniil ako ng halik. Impit na ungol ang nakulong sa lalamunan ko. Sa isip ko, alam ko na kapag hinayaan ko siyang ituloy ito ay siguradong may mangyayari na naman sa aming dalawa, pero nahihirapan akong pigilan ang sarili ko. “Don't restrain yourself, Sofie. Feel me, I promise, magugustuhan mo ang gagawin natin,” mainit ang buga ng hininga na bulong ni Chase sa akin ng pakawalan niya ang mga labi ko. Hindi pa ako nakakasagot ng muli niya akong siilin ng h

