Ramdam ko kung paano muling nag-init ang magkabilang pisngi ko ng makita kong kinuha ni Chase ang dalawang paper bag at tiningnan ang laman ng mga ito. “You can try these. It will fit on you, Sofie,” sabi pa niya at itinaas ang itim na lingerie kasama ang kakarampot na manipis na telang kapares nito. “Si Skye dapat ang magsuot n'yan, kasi siya ang bumili ng mga iyan,” naka-ngiwing sagot ko. Natawa naman si Chase sa sinabi ko. “Honey, hindi bagay sa kaniya ang ganito. Mas maganda kung ikaw ang magsusuot ng mga ito, lalo na sa gabi.” Tumingin pa siya sa akin at sinuyod ng mga mata ang kabuuan ko. Napa-irap tuloy ako kasi kahit hindi siya magsalita ay malinaw na nakikita ko sa paraan kung paano niya ako tingnan na pinagnanasaan na naman niya ako. Inabot ko ang isa pang paper bag at tinin

