“Go to your room and rest for a while, Sofie,” sabi sa akin ni daddy. “I’ll call you later, kapag dinner time na.” Nginitian ko si daddy. Tumayo na ako at iniwan ko sa sala ang mga magulang ko. Mabilis na sumakay ako ng elevator at tinungo ang aking silid sa third floor. Ito ang favorite place ko dito sa bahay dahil hindi lang ako komportable sa aking malaki at malambot na kama kung ‘di dito talaga ang sanctuary ko. I designed and customized my entire room, ayon na rin sa gusto ko. Agad na inilapag ko sa sofa ang handbag na hawak ko at ang susi ng sasakyang dala ko pauwi at mabilis na tinungo ang banyo. I need a hot bath, kaya binuksan ko ang gripo sa jacuzzi at hinintay na mapuno ito ng maligamgam na tubig. Dahil nakakabagot maghintay, kaya tiningnan ko sa cellphone ko ang tracking

