“I'm just checking on you, pero simula kagabi ay hindi mo sinagot ang mga tawag ko. Wala rin tao sa apartment mo, kaya nag-aalala ako sa iyo,” mahabang paliwanag ni Chase, kaya napa-iling na lang ako. I didn't expect na tatawag pala siya sa akin at pupuntahan ako sa apartment na tinutuluyan ko. “Ayos lang ako, Chase. Nasa labas ako ngayon. You don't have to worry about me, malaki na ako.” Dinaan ko na lang sa biro ang sinabi ko para bahagyang mawala ang awkwardness na nararamdaman ko. “Where are you now, honey?” Narinig kong tanong ni Chase sa akin mula sa kabilang linya. “Gusto mo bang sunduin kita?” “Huwag na. Magkikita rin naman tayo sa office mo bukas,” agad na sagot ko. “Are you sure na okay ka lang?” makulit na tanong ni Chase sa akin. “Yes.” Narinig ko siyang nagpakawala n

