SOFIA Naghihintay na sa akin si Doktora Joylyn nang dumating ako sa labas ng laboratory room. Agad na napangiti ang kaibigan ko nang lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit. “Gosh, you're back, Sofie,” natutuwang sabi ng kaibigan ko sa akin. “Not yet,” mahinang sagot ko. “May problema ba?” kunot ang noo na tanong sa akin ni Joylyn. “Actually, kailangan ko ang tulong mo,” napabuntong-hininga na sagot ko at sinabi ko sa kaniya kung bakit ako narito. “Alright, don't worry, leave it to me, Sofie.” Nagpalinga-linga muna ako sa paligid at siniguro na walang ibang nakasunod sa akin bago ko niyaya ang kaibigan ko na sumama sa akin para makapag-usap kami nang pribado. “Come to my office,” mahinang bulong ko sa kaibigan ko. Magkasama kaming pumunta ni Joylyn sa opisina ko. A

