Chapter 46 "shhh. hindi mo kasalanan. tahan na best. gusto mo ikaw naman maospital? ung baby mo naman mapahamak?" patuloy ang pagpapatahan ni Leila sakin. Panay ang hagod nito sa aking likod. Sunod sunod ang pagiling ko sabay parin ang mahina ng paghikbi. Inalis niya ang buhok na tumabon sa mukha ko at pinunasan niya ang aking pisngi gamit ang panyo nito. "Halika at umalis na tayo dito. hindi mo kailangan sundin ang asawa mo. tanga lang ung gumagawa non" sabi niya sakin at inalalayan niya kong tumayo. hindi na ko nagkomento sa sinabi niya. "L-leila.. gusto ko malaman kung tama ba ung hinala natin. gusto kong malaman kung siya yung nagtetext sakin..sayo.." huminga ako ng malalim at mahigpit na kumapit sa braso niya dahil pakiramdam ko anumang oras ay matutumba ako. "yung cellphone niya

