Chapter 49 Dalawang buwan na ang lumipas ng huli ko siyang makita sa palengke. Hindi niya ko nilapitan. Pinagmasdan niya lang ako, pagkatapos ay tinalikuran. Nagdadalawang isip pa ko nun kung susundan ko ba siya o hindi, pero mabilis ding umalis ang sasakyan nito kaya hindi ko na rin ito nakausap. Napabuntong hininga ako. Bakit siya nagpakita sakin matapos ang apat na buwan? Maayos na kaya ang problema niya kay Meg? Anong dahilan para magpakita siya at pagkatapos ay hindi rin ako kakausapin? Mahilig itong bigyan ako ng malaking palaisipan at naiinis ako na hanggang ngayon ay hindi niya man lang ako sinuyo at hinayaan talaga ako sa sitwasyon na ito! Bagama't hiniling ko ito ay naiinis pa rin ako dahil umaasam pa rin ako na sa mga susunod na buwan ay susuyuin niya ko pero hindi. Nagpak

