Chapter 23 Nakasandal ako sa swivel chair habang nakapikit na hinihilot ang magkabilang sinitido. Sumasakit ang ulo ko sa pinag gagawa ni Meg. Kahit kelan talaga hilig nitong makipag kompitensya sa atensyon ng asawa. Hindi naman nya mahindian ito dahil na rin sa kalagayan nito ngayon. Dalawang babae ang inaalagaan ko ngayon. Pareho pang inihabilin sakin ng mga magulang nila. Pero pasalamat na lang sya at hindi nito ginugulo ang asawa. Sadya lang gusto nito ang buong atensyon nya na imposible naman talaga. *Tok *tok "Come in" sigaw ko ng hindi pa rin tumitigil sa paghihilot sa sintido. "Bro he's already in the basement" Pagkasabi niyon ay inikot ko ang swivel chair para harapin ang kaibigan kong nakangisi. Sya ang kababata ko. Si Xavier. Pagdating sa kalokohan kasama ko yan. Dalawa lan