Chapter 16 December 26, 2013 Ang petsang iyon ang hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Ang pag amin ko sa sarili at pagsuko sa aking p********e. Hindi ko maipaliwanag ang naguumapaw na damdamin ko ng gabing iyon at hanggang ngayon … Nakapikit habang nakangiti pang kinapa-kapa ang tabi ko pero ang mga unan lang ang tangi kong nahahawakan. Unti-unti akong dumilat at tsaka ko lang nalaman na wala nga sa tabi ko ang asawa ko. Yes .. Asawa ko .. Ito ang unang pagkakataon na tatawagin ko syang ‘asawa ko’ dahil iyon ay gusto ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na nagpapakatotoo ka na sa sarili mo. Yung mga pangit na nangyari samin ni Brent noon parang ang dali lang nawala pati ang galit ko sa kanya napalitan ng saya at pagmamahal. Im really excited to tell him about my feeling