Chapter 13 Nawalan ako ng gana bigla sa nakita ko. Bakit sya andito. Exclusive lang para sa students ang party na to. Ramdam ko na din ang mapanuring tingin ng mga tao sa paligid ko. Alam ko na rin kung ano ang iniisip nila sakin. Merong nagiisip na break na kami or niloloko lang ako ng lalaking iyon. Dahil base sa reaksyon ko halatang wala akong alam sa nangyayari. Pero bakit ako magpapaapekto sa nakikita. Kailangan kong magpakatatag. “Bes ok ka lang? Wala ka na sa sarili mo” nagaalalang tanong nya sakin. Alam ko nakita din nya yung pagdating ni Brent. Pero hindi nya na lang inusisa sakin ito dahil ang palagi kong bukambibig sa kanya si Migs kaya alam nya ay wala akong pakialam sa asawa ko. “I-im fine” nanginging ako habang kumuha ng isang glass ng water at marahang uminom. Pil