Lorena Natawa ako ng pagak habang nananatili ako sa kinatatayuan ko. Naikuyom ko ng mahigpit ang mga kamao ko kasabay nang pagtagis ng bagang ko. "He ignored me... Really? He f*****g ignored me!" matigas kong bulong sa sarili ko. "Dahil lang sa babaeng 'yon?" Lumingon na ako sa likuran ko ngunit tuluyan na rin silang nakapasok sa loob ng kulungan. Minabuti kong bumalik na rin sa doon. Nakita kong nakahinto sila sa harapan nitong gallery. PJ was carrying a logbook and a ballpoint pen while talking to the girl with him. Ang babae namang ito ay lumilinga sa buong paligid. Maging ang mga presong naririto ay napapatingin na rin sa kanila. There are prisoners playing chess and cards here. Mayroong mga nanonood sa kanila. There are reading books. May mga nakatambay sa mga railing sa itaa