Lorna "Ipinapatawag ka sa Governor's office," ani Tanner sa akin na biglang dumating dito sa selda namin. Katatapos lang naming maligo ni Geraldine at nagsusuklay pa kami ng mga basa naming buhok. "For what?" tanong naman sa kanya ni Geraldine. "There's a prisoner who will testify against Lorena Medina." "A-Ano? S-Sino?" Bigla akong napalapit sa kanya kasabay nang paglakas ng kabog ng dibdib ko. "Ernesto Santarin. Isa sa mga utusan ni Lorena Medina at siyang nagmamaneho ng kotseng sumagasa sa iyo noon sa tapat ng gusali ng Delavega Tower." Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. "S-Sige, tara na." Basta ko na lamang isinampay ang tuwalya ko sa railings ng kama ko at kaagad na sumama sa kanya. Naiwan naman na sa selda si