Lorna "Ito pa, Ma." Iniabot ko kay Mama ang isa pa sa mga gamot na iniinom niya habang hawak ko ang isang baso ng tubig. Kaagad din naman niya itong tinanggap at ininom. Inalalayan ko rin siya sa pag-inom ng tubig. "Okay na po. Magpahinga na po kayo." Ipinatong ko muna sa bedside table ang baso bago ko inayos ang kumot niya sa katawan niya. "Salamat, Anak." "Goodnight, Mama. Magliligpit pa po ako sa baba ng mga kalat." "Kaya mo ba? Kumusta ang pagbubuntis mo? Hindi ka ba nahihilo at nagsusuka sa umaga?" "Palagi pong humihilab ang sikmura ko at medyo parang lumulutang ako sa hangin pero kaya ko naman po. Nama-manage ko naman po ang sarili ko. At saka, nandyan naman po si Denver." "Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na siya na ngayon ang pakakasalan mo. Kapatid ng una mon