"SENYORITA, handa na po ang agahan,” wika ng katulong habang kumakatok sa labas ng pinto.
Namimikit pa ang aking mata nang ako'y bumangon. Isinandal ko ang aking likod sa headboard at kinusot ang nakapikit kong mata. "Inaantok pa eh, ba' yan!"
"Senyorita, baba na daw po kayo sabi ni Master," wika ulit ng kasambahay na nandoon pa rin sa pinto.
Padabog akong tumayo at lumakad papuntang pinto. Pagbukas ko ay iniyuko agad ng kasambahay ang ulo nito.
"Senyorita, kakain na daw po," yukong wika nito.
"Tsk, sige yaya bababa na ako," ismid kong sambit.
"Pasensya na po, Senyorita."
"Okay lang, Yaya. Pakisabi sa Daddy kong singkit bababa na ako."
"Opo, Senyorita," sagot nito at lumakad na pababa sa may hagdan.
Pagsara ko ng pinto ay nag-inat inat ako ng braso. Lumapit sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili. s**t! Hindi pa ako nakapagbihis?!
Tinignan ko ang sahig at nakita ko ang purse at sandals na nakakalat. Kaagad kong niligpit ang mga ito at pumasok sa banyo upang maligo.
"WHERE have you been?" istriktong tanong ng aking ama habang hawak-hawak ang tinidor na may bacon.
"As usual nag-disco," sagot ko at sumubo ng isang kutsarang kanin.
"Mela, kung gagabihin ka magsasabi ka sa amin ng Daddy mo. Halos maputol ang litid niyan kagabi. Sigaw ng sigaw kung nasaan ka na," ani ng aking ina at tinuloy ang paghigop ng kape.
"You have your phone right?" biglang sabat ni Dad at ang singkit niyang mata ay naghugis guhit na lang.
"Wala akong load, Dad," pagdadahilan ko at iniwasan ang mata niyang naghugis guhit.
"Walang load?! Pinagloloko mo ba ako?! How many debit cards you have? Credit cards? Cash? cheque? Load lang wala ka?!" Halos tumigil ang ilang segundo ng buhay ko sa sermon ng aking ama. Sa lakas ng boses niya ay para akong nabingi. He is more vocal compare to my Mom na relaks lang.
"Dad, relaks, parang hindi kana nasanay kay Mela," my brother said saka tinanggal ang panyong sapin sa kanyang kandungan.
"Tapos ka na kuya?" tanong ko sa aking kapatid at ito'y tumayo.
"Mel, ang aga mong mang-badtrip. Talk to Dad nicely," he said and gazed me badly.
Napakamot na lang ako sa aking ulo at isinandal ang aking likod. "I'm sorry," wika ko at sinulyapan ang aking ama.
"Mela! You're here in my house if you dont like my rules. You can leave now!" my dad shouted. Tiim-bagang ang kanyang panga at ang ngipin niya ay nag-uumpugan na, gusto na yatang manakit anumang oras.
"Sweetie, wag ka nang magalit. Ganyan tagala pag dalaga. Nag-eenjoy pa," wika ng aking ina saka hinawakan ang balikat ni Dad at hinagod ng himas.
Sanay na ako sa ganitong senaryo sa tuwing pagagalitan ako ng aking ama. Sisigaw siya, magagalit, maiinis at magsesermon. Habang ako makikinig, pasok sa kabilang tenga labas naman sa kabila. Kahit ganito ka istrikto si Dad ay mabilis naman siyang huminahon. Papakabait muna ako ng ilang araw then sa susunod na araw walwal ulit.
"Dad, sorry na. Sorry na," wika ko at malungkot na tinignan ang aking ama. Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng aking mata at mayamaya pa ay tumulo na ito.
"Kita mo! Kita mo! Pinaiyak mo na 'yang anak mo! Pwede mo naman kausapin ng maayos 'yan. Pwede din mamaya pagkatapos nating kumain! Hay! Kaugtas ako kay nimo! Pesting yawa!" Padabog na tumayo si mommy sa kanyang upuan at nagmadaling lumabas sa dining area kung saan kami nag-aagahan.
Tumayo din si Dad at kinuha ang puting sapin sa kanyang kandungan at hinampas iyon. Nagbabakatan na ang ugat sa kanyang sintido at kitang-kita na rin ang kulubot niyang noo.
"Mag-uusap tayo mamaya!" singhal niya sa akin at mabilis na lumakad palabas ng Dining area.
"Lolita wait!" tawag niya kay mommy at mayamaya pa ay narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto mula sa kanilang kwarto.
Pinunasan ko ang aking luha at natatawang hinarap ang pagkain. Naiwan ako sa hapag habang sila ay may kanya-kanyang concern sa buhay.
"Mel, kelan ka ba magtitino?" wika ng aking kapatid na lumakad papasok.
"Matino naman ako. Bakit Kuya? Hindi ka ba matino?" asar ko sa aking kapatid at siya’y umupo sa upuan kung saan siya nakaupo kanina.
Nakita ko ang kanyang reaksyon na nanggigigil. Ngumingiwi ang kanyang labi kaya't nasaksihan ko ang pagbangga ng itaas niyang ngipin sa ibaba niyang mga ngipin. "Mel! Gusto mo bang ipatapon ka ulit ni Dad sa Korea?!"
Tumusok ako ng bacon at sumubo din ng kanin. Ngumunguyang sumagot ako sa aking kapatid. "Gusto ko 'yon, cool kasama si Lolo, saka namimis ko na siya."
"Gusto mo bang ipatapon ka sa kampo?" wika niya na may pag-aalala.
"Yeah, I been there. No worries," sagot ko at kinuha ang isang basong lemon juice saka ininom. "I mean, we been there. Why worried?" dugtong ko pa at si kuya ay isinandal ang likod sa sandalan ng upuan.
"Babae ka, gusto mo bang pagtulungan ka ng mga lalake doon," he said in a serious voice and sighted.
"Bullshit! Ganyan ba talaga kababa ang tingin mo sa akin, ha?!" Gustong-gusto kong ipatama ang aking kamao sa makinis niyang pisngi pero pinigil ko. He's my brother and I know he's stronger than me.
"Bullshit?! You're more bullshit!" ganti niya sa akin at tinignan ako ng masama. "Tsk, Mel, what’s wrong with you?”
Pagbuntong hininga ang aking sinagot saka inirapan ang aking kuya. Inubos ko ang lemon juice at padabog kong inilapag sa dining table. "Okay, it’s my fault. Sorry na," sagot ko pero ang totoo gusto kong basagin sa harap niya ang basong inilapag ko. Kung hindi lang kita kapatid kanina pa kita sinapak.
"Kausapin mo si Dad ng maayos. Wag mong bigyan ng sakit ng ulo ang parents natin." Mahinahon na ang kanyang tinig at hindi na rin masama ang pagtitig niya sa akin. Mayamaya ay bumuntong-hininga siya at umiling. "Your still my younger sister. A baby of this family, don't forget about that," aniya saka tumayo. Inayos ang kanyang polo sa may parteng leeg at itinupi naman hanggang siko ang laylayan ng kanyang sleeve.
"Sorry, Kuya," wika ko bago siya lumakad. Ginulo niya ang aking buhok at tipid na ngumiti.
"I'll see you in the office,” bilin pa niya bago tuluyang makaalis.
"Okay," sagot kong walang kagana-gana at nagtuloy sa pagkain. "Yaya, come here sabayan mo akong mag-breakfast," aya ko sa aming kasambahay ng makitang papasok sa may pinto ng dining.
"Senyorita, tapos na po akong mag-agahan---"
"Yaya, upo na dito," mala-awtoridad kong sabi at ito'y hindi na tumanggi. Dalawa kaming kumain ng mga oras na iyon. Tahimik ang paligid na talaga naman nakakarelaks ng pakiramdam.
"Masarap kumain 'pag walang maingay," wika ko.
Tumango lang si yaya at ngumiti. Inabot ko sa kanya ang pinggan may bacon at ham. "Yaya, kumain ka lang. 'Wag kang mahiya."
"Senyorita, okay na po ako," aniya at tinignan lang ang pinggan na inaabot ko
"Yaya, nangangalay na 'yong kamay ko."
Agad na kinuha ni yaya ang pinggan at nagsalin sa kanyang pinggan. Mayamaya pa ay ngumiti siya sa akin at nagsalita. "Senyorita, salamat sa agahan."
"Kumain ka lang. 'Wag kang mahiya," ani ko at muling sumubo ng pagkain.